Linggo, Agosto 30, 2015

Rizal : Inspirasyon sa mga Kabataang Pilipino

 
Ikaapat ng hulyo taong pangkasalukuyan, nagsimula ang higit pang pag-unawa ko sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ng aming paglalakbay aral sa mga lugar kung saan naganap ang mahahalagang nangyari at nakaukit na sa kasaysayan ng bansa.
 
 
 
Binondo
 
Dahil isa ako sa mga grupo na nagkomyut, aming napagdesisyunan na unang pumunta sa pinakamalayong lugar at iyon ay ang “binondo” kung saan naroon ang tahanan ni Higino Francisco, sa bahay na ito unang inilagay ang katawan ni Dr.Jose Rizal matapos itong hukayin mula sa sementeryo ng Paco patungong Luneta. Nahirapan kaming makita ito dahil giniba na ito at tanging “x” mark ang palatandaan, dumagdag pa ang malakas na buhos ng ulan at makalipas ang tatlong oras na paglagi sa binondo ay natagpuan din namin ito.
 
 
                                
  
Sto.Tomas
 
 
Sunod naming tinungo ay ang Unibersidad ng Sto.Tomas kung saan nakatapos siya ng kursong medisina.
 
 
 
Ateneo De Municipal
 
 
Sunod ay ang Ateneo De Municipal, ito ay may iba ng nakatayong gusali dahil nasunog ito taong 1932. Dito nag aral si Dr. Jose Rizal ng sekundarya at nakakuha ng matataas na marka sa kabila ng diskriminasyon na kanyang naranasan.
 
 
 
 
 
        
 
 
 
Fort Santiago
 
Ang Fort Santiago ay isa sa mga makasaysayang lugar sa Maynila kung saan maraming buhay ang nawala. Dito rin ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta noong 1896. Ang bronze na yapak na matatagpuan sa Fort Santiago ay nagrerepresenta ng mga huling yapak na tinahak ng ating bayani mula sa kulungan hanggang sa lugar kung saan siya binaril.

 
 
 
 
                               
 
 
 
Cuartel de Espanya
 
Sunod naming tinungo  ang lugar kung saan nilitis si Dr. Rizal na matatagpuan sa kalye ng Muralla.
 
 
 
Pambansang Museo
 
Sa loob ng Gallery V sa pambansang museo ay matatagpuan ang ilang likha ni Rizal at mga sining tungkol sakanya.       


 
 
 
Luneta Park
 
Sunod ay ang Luneta Park, sino ba naman ang Pilipinong hindi nakakaalam ng makasaysayang lugar na ito, dito naubos ang mga huling sandali ng ating pambansang bayani sa mundo. Napakasarap sa pakiramdam na makita ang lugar kung saan siya binaril na may halong lungkot dahil sa sinapit niya rito.
 
 
 
 
Paco Cementery
 
At huli naming pinuntahan ay ang Paco Cementery, dahil sa dumating na kami lagpas sa ika lima ng hapon ay hindi na kami pinayagan ng kinauukulan na pumasok sa loob, kaya kung mapapansin ay nagkaroon lamang kami ng pagkakataon na kumuha ng litrato sa labas o main entrance ng Paco Cementery.
 
Dito nagtatapos ang aming masaya at hindi makakalimutang karanasan na nakatulong humubog sa aming pagkatao dahil sa aming mga natutunan sa ating pamabansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Salamat. Lakbay Aral 2015 BSME.
 
 
 
Lakbay aral 2015